Bangkay na walang ulo, natagpuan sa Tanauan

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Wala nang ulo nang matagpuan ang isang lalaki na may tattoo ng demonyo sa kanang braso Biyernes ng umaga, Pebrero 11, sa boundary ng Barangay Bunggo, Calamba City at Barangay Saplang, Tanauan City.

Inilarawan ang ‘di pa nakikilalang lalaki na pansamantalang nasa Green Loan Memorial Chapel sa J. P. Rizal, Calamba City na may taas na 5″8, nasa edad 25-35, may tribal tattoo na may mukha ng demonyo sa kanang braso at 8 balls tattoo sa kanang paa, nakasuot ng gray na sweatshirt at blue maong pants.

Sa ulat sa tanggapan ni P/Chief Supt. Samuel Pagdilao, Jr., Regional Director ng PRO4 Calabarzon, dakong alas-7 ng umaga nang madaanan ng isang batang lalaki ang wala ng ulong biktima. Nabatid na nakatali rin ang mga kamay nito.

Nabatid sa mga awtoridad na natagpuan nila malapit sa bangkay ang tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 pistola.

Dahil sa mga tinamong pasa sa buong katawan, pinaniniwalaang binugbog muna ang biktima bago pinagbabaril at pinugutan. Ellen Apostol

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply