‘House arrest’ tinanggihan ni Ping

TINANGGIHAN ng kampo ng nagtatagong si Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang alok ng Department of Justice (DOJ) na magpailalim ito sa “house arrest.”

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na handa siyang makipag-usap kay Ping upang ipresenta nang personal ang nasabing alok kung saan ang senador ay magiging nasa kustodiya ng kagawaran.

Ngunit ayon sa mga abogado ni Lacson, hihintayin na lamang nila ang paglilinaw ng Court of Appeals (CA) hinggil sa pag-recall ng warrant of arrest laban sa senador.

Matatandaang hindi pa rin lumalantad ang senador sa kabila ng pagbabasura ng CA sa  double-murder case laban dito sapagkat wala umanong krediibilidad ang mga pahayag ni dating police officer Cesar Mancao.

Sa kabila nito, nilinaw ng DOJ na walang nakasaad sa desisyon ng CA na wala nang bisa ang warrant of arrest ni Lacson. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply