‘Hustisya para sa napaslang na broadcaster ‘wag iantala’

NAGPAHAYAG ng matinding pagkadismaya ang isang environmental group sa pagkaantala ng hustisya para sa Palawan broadcaster at environmentalist na pinaslang sa Puerto Princesa City noong nakaraang Enero 24.

“Thirty days have passed, but justice has not yet been served for the death of Palawan broadcaster and environmentalist Dr. Gerry Ortega,” anang grupong Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) sa ipinalabas nilang opisyal na pahayag sa media.

Bunsod nito, nakilahok ang nabanggit na organisasyon sa iba pang makakalikasang aktibista at mga katutubo na nag-picket sa harapan ng opisina ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Lungsod Quezon upang hilingin ang agarang pagbibigay ng katarungan sa pagkakapaslang kay Ortega.

Matapos ang pag-aresto sa isang grupo ng mga suspek, isa pa, sa katauhan ni Rodolfo Edrad Jr., ang sumuko sa awtoridad at tahasang itinuro si dating Palawan Gov. Joel T. Reyes bilang utak ng krimen.

Inamin ni Edrad sa kanyang sworn affidavit na ipinatumba ni Reyes si Ortega dahil sa pagbabatikos ng huli sa pro-mining policy at umano’y katiwalian ng gobernador sa paggamit sa pondo ng Malampaya oil project.

“Despite evidence pointing to alleged mastermind and a criminal case has been filed, no arrest has been made… We should not let this be another unsolved case in the long list of media and environmental activist killings,” giit ni Clemente Bautista Jr., national coordinator ng Kalikasan PNE.

Batay sa talaan ng grupo, sa 37 insidente ng pagpatay sa mga makakalikasang aktibista mula 2001 hanggang 2011, 27 sa mga biktima ay mga tutol sa pagmimina.

Si Ortega ang pinakahuli sa listahang ito.

“The fight for justice for Dr. Ortega and other slain environmental activists continues. A nationwide mining moratorium, similar to the administrative order that President Aquino issued on the log ban, should be imposed not only to allow the rehabilitation and restoration of our environment but also to halt the rising number of mining-related human rights violations,” dagdag pa ni Bautista. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply