‘Ipagdasal ang 3 Pinoy na bibitayin sa China’

UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na ipagdasal ang tatlong Filipino na bibitayin sa bansang China sa Lunes, Pebrero 21.

Sinabi ni Bise Presidente Jejomar Binay na naniniwala siya sa himala, na maaaring magsasalba sa buhay ng tatlo.

“Unang-una dagdagan natin ang dasal, baka naman miracles can happen,” ayon kay Binay sa press briefing na ginanap sa New Executive Building (NEB) sa  Malakanyang.

Kailangan umanong hindi mawalan ng pag-asa na may positibong mangyayari sa gitna ng pagtanggi ng pamahalaan ng China sa pakiusap ng gobyerno ng Pilipinas na huwag ituloy ang nakatakdang pagbitay sa mga Pinoy na nahulihan ng iligal na droga nang pumasok sa naturang bansa.

“I take the position na optimism kasi pagka-sinabi na wala tayong pag-asa eh lalo mo namang pinalungkot ang pamilya,” aniya. “‘Wag nating sabihin na it’s over.” Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply