‘Lola’ ni Brillante Mendoza wagi sa 29th Tehran International Filmfest

ISA NA namang karangalan ang nakamtan ng Pilipinas sa prestihiyosong 29th Tehran International Film Festival sa Tehran, Iran at mapalad na naman ang mga Filipino kaya kailangang ipagbunyi ang mga taong kalahok sa pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions.

Kaya nga heto si Brillante Mendoza at naglululukso sa tuwa sa pagwawagi ng kanyang “Lola” para sa Best Film.

Masyadong matitindi ang mga kalaban mula sa iba’t ibang panig ng mundo ng pelikula kaya ang panalong ito ay hindi makakalimutan ni Brillante na katatapos lang ng kanyang pagsasapelikula ng kontrobersyal na “Prey” na tinatampukan ng Hollywood at French actress na si Isabelle Huppert.

****

Ang unang nagparating sa amin ng magandang balitang ito ay walang iba kundi ang mandudulang pampelikula ng “Lola” na si Lynda Casimiro.

Ang ispeling nga pala ng Lynda Casimiro ay Lynda Casimiro at hindi Linda Casimiro na nakalagay sa poster ng pelikulang ito.

Ayon kay Lynda, nagmamadali anya ang paggawa ng poster at hindi na naisangguni sa kanya ang baybay ng kanyang pangalan kaya naipalimbag agad ni Mendoza.

Sinabi ni Casimiro na ang nagpadala sa kanya ng text message ay si Brillante mismo.

“From Dante—Pls accept my congrats on winning Best Film in Tehran—Amb Reyes. Lola Best Film, n tie for Best Actress Rustica n Anita.”

Oo, mga kaibigan, idineklarang Pinakamahusay na Aktres sa Tehran sina Rustica Carpio at Anita Linda.

****

“Nasa ospital ako nang ibalita sa akin ang Best Actress award ko. Naku, I was happy. Parang gamot sa sakit ko. Talagang I felt very happy and well,” pahayag ni Rustica na isinugod sa Manila Doctors Hospital sa UN Avenue sa Maynila matapos na matumba sa National Commission for Culture and the Arts nang tumatanggap siya ng parangal mula sa ahensiya.

Napag-alaman mula sa mga doktor sa MDH na pulmonya ang umatake kay Carpio.

Limang araw din ang beteranang aktres sa pagamutan at nang lumabas siya sa ospital ay baun-baon niya ang magandang balitang ito na lalo pang nagpagaling sa kanyang karamdaman.

Pati ang bituing si Cherry Cornell na isa ring peryodista sa ABS-CBN News ay nangamba sa kalagayan ni Rustica..

****

Heto pa ang mensahe ni Lynda tungkol sa pananalo ng “Lola”:

“The international section of the festival that opened on Saturday wrapped up on Tuesday, giving the best awards to foreign entries of the year.

“Here is an item from Tehran Times—Lola wins 2 Crystal Simorghs on Tuesday at the international section of the 29th Fajr Film Festival. Directed by Brillante Mendoza, the movie took the Best Film Award and Anita Linda and Rustica Carpio shared the Best Actress Award.”

Kaya nga kailangang palakpakan ang mga bumubuo ng “Lola.”   Boy Villasanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply