‘Pabaon’ probe sa Senado itinigil

NAGULANTANG ang mga senador na may pakialam sa imbestigasyon ng umano’y talamak na katiwalian sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapakamatay ni dating AFP chief Angelo Reyes, Martes Pebrero 8.

Bagama’t nagpahayag sila ng pakikiramay, nagkakasalungat naman ang kanilang pananaw kung itutuloy o hindi ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa gitna ng pagdadalamhati ng pamilya Reyes.

Sa magkakahiwalay na panayam, sinabi ni Sen. Teofisto Guingona III na dapat ituloy ang imbestigasyon.

“It is unfortunate that our last interface with the late secretary should be under difficult circumstances. However, Secretary Reyes’ untimely death can only further strengthen our resolve to bring the current probe on issued hounding the Armed Forces of the Philippines to swift, just and rightful conclusion,” giit ni Guingona.

Sa ganitong punto, inihayag nina Senate Majority Leader Vicente Sotto III at Sen. Francis “Chiz” Escudero na pansamantalang itigil muna ang imbestigasyon sa katiwalian sa AFP hangga’t hindi naihahatid sa huling hantungan ang dating DND chief.

“Labis kong ikinagulat ang pangyayari at wala siguro sa atin ang nag-akala o naisip na mangyayari ito… ‘Di na muna dapat pag-usapan ang epekto nito sa mga pagdinig ng Senado,” ayon kay Escudero.

Dagdag pa ng senador: “At sana’y bigyan nating lahat ng lugar at puwang ang kanyang pamilya na magdalamhati ng di hinahaluan ng anumang usaping pampulitika.”

Kinumpirma naman ni Sotto na nagkasundo ang komite na sa halip na magkaroon ng pagdinig sa linggong ito, inilipat ang imbestigasyon sa Pebrero 18.

Iminungkahi din ng ilang senador na maghinay-hinay sa pagtatanong sa resource person sa isinasagawang imbestigasyon upang maiwasan ang sinasabing “trial by publicity” sa sinumang tao o institutisiyon.

“Learning from tragedies like this, it is our duty to moderate our proceedings from hereon and manage public information in this regard so that premature and unwarranted trial by publicity of any person or institution shall be avoided,” paliwanag naman ni Sen. Gregorio Honasan.

Nakidalamhati din si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pamilya ni Reyes na tulad din ng ilang senador na nagpahatid ng kani-kanilang pakikiramay sa pagsasabing mas kailangan ngayon na sisirin pa nang mas malalim ang sistema ng korapsyon sa AFP sa pagkamatay ni Reyes.

“We sympathize with the family of former Secretary Angelo Reyes in their hour of pain and loss. The unraveling of the corruption charges existing within the higher echelons of the Armed Forces of the Philippines over the last several years has gone beyond accusations, denials and counter-accusations, causing one of the accused to take his own life,” ayon kay Marcos.

Aniya pa: “His untimely death has brought to stark focus the need for us to get to the bottom of the continuing investigation. We should not lose sight of our objective, which is to institute lasting reforms in the AFP and bring to justice those found guilty.”

Inihayag naman ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na nagkaroon ng panibagong pakahulugan sa pag-iimbestiga ng Senado ang pagkamatay ni Reyes.Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply