‘Valentines Day massacre’ sa Rizal, 4 patay

UMAGA na nang matuklasan ang mga nakabulagtang bangkay ng apat na katao sa isang bahay sa Cainta, Rizal.

Ayon sa inisyal na report, nakilala ang mga biktima ng ‘Valentines Day massacre’ na sina Amado Asebar, 42; Elizabeth Asebar, 46; Amado, Jr., 14 at Prichie, 10.

Base sa pahayag ng kapatid ni Amado na si Ramil Asebar, 7:00 na ng umaga nila nalaman ang nangyari sa mga biktima na hinihinala nilang kagabi pa naganap ang pamamaslang.

Ayon pa sa mga kapitbahay, nagkaroon umano ng bisita ang pamilya kagabi ngunit hindi nila kilala ang mga ito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matunton ang tunay na salarin sa krimen. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply