‘World class furnitures’ lumago sa makabagong teknolohiya: Salamat sa FPRDI at DOST—Balbin

“IN all our ventures, we are happy that we have friends such as the DOST and FPRDI  whom we can count on to help solve our technical problems.”

Ito ang pahayag ng pasasalamat ng mag-asawang Romeo Balbin Jr. dahil sa hindi maawat na tagumpay  at patuloy na pagtangkilik sa kanilang mga produktong muebles sa tulong ng Department of Sciene and Technology  (DOST) at  Forest Products Research and Development Institute (FPRDI).

ISANG dating tahimik na barrio sa timugang bahagi ng Bangued, Abra ang Barangay Bacsil.  Ngayon, isa na itong masayang lugar at dinarayo na ng mga lokal at dayuhang mammili.  Ito naman ang ipinagpapasalamat din ng kanilang mga kapitbahay dahil sa unti-unting nakilala ang maliit na barangay na lihitimong lugar ng mag-asawang Balbin.

Sa lugar na ito ng Bacsil itinayo ang pagawaan ng  ‘world class wood furniture, builders’ woodworks, bamboo home furnishings at mixed media handicrafts.’

Dagdag pa ang hindi matatawarang mga parangal na nakamit dahil sa kalidad ng mga produktong  bunga ng kanilang pinagsamang talento sa pagiging malikhain, pamamahala at marketing.  Ito ang nagsilbing hamon para mapalago ang sinimulang munting negosyo.

Nabiyayaan din ng kabuhayan ang mga kapitbahayan dito sa unti-unting pagsikat ng Balbin’s Furniture Shop.  Mula sa regular na biyahe ng mga sasakayan, kainan at bilihan ng mga pasalubong sa mga taong nagagawi sa barangay na ito.

“We started as a partner in a big logging firm in 1986 but we eventually went into furniture production when we realized that Abra is very rich in raw materials that we can make use of, ayon sa pahayag ni G. Balbin sa DOST sa rehiyon.

“Today, we make all kinds of products – dining sets, sala sets, beds, China cabinets, TV racks, coffee tables, office tables, doors, door jambs, moldings and narra planks for floors. Our bamboo products include tiles, placemats, trays, coaster hot pads, umbrella stands, CD racks and hampers. We also make novelty packaging materials from local grasses and plants that abound in the province,”  dagdag pa ni Balbin.

“From 1994 to 2005, we were named four times the Top Seller in the Furniture Sector in the National Trade Fairs of the Department of Trade and Industry. We also received the same award in the National Economic Enterprise Development Trade Fair and the “Impakabsat” Regional Trade Fair,” pahayag naman ni Gng. Balbin.

“Getting recognized was very exciting for us,” she continues, “but our breakthrough came

when we acquired the furnace-type lumber dryer (FTLD) of the Forest Products Research and Development Institute (FPRDI) as well as different bamboo processing equipment in 2005.”

Sa pamamagitan ng ayuda  ng Department of Science and Technology’s Small and Medium Enterprises Technology Upgrading Program (DOST-SETUP) and FPRDI, naitayo ng mag-asawa ang  isang 3,000 board foot-capacity dryer.  Ito ang  na siyang tumugon sa malaking problema nila sa mga amag na kumakain sa kahoy  at pag-atake ng ‘fungi’ sa mga  raw material.

Ang dryer, gayundin ang tatlong klase ng modernong  bamboo processing equipment, ang nagpabilis, nagpaganda sa kalidad ng mga produktong muebles sa mababang halaga.  Dahil  dito,  bumaba ang bilang ng mga nasasayang na materyales, naitaas ng bahagya ang presyo ng produkto sa merkado at nadagdagan ang kanilang kita o benta ng 30 porsiyento.

“We were able to expand our operations, hire more workers and hike their wages. Today, 22 regular workers and 900 sub-contractors work for us. Before we had the FTLD, we hired only 12 regulars and 180 part-time workers. With bigger operations, we opened new market outlets both here and abroad, especially in the US, Italy and Canada,” pagmamalaki pa ng masisipag na mag-asawa.

“All their success notwithstanding, the Balbins show no signs of slowing down,” ayon pa sa isang opisyal ng DOST.

Sa kabila ng kanilang tinatamasang tagumpay, naniniwala ang mag-asawang Balbin na hindi dapat dito tumigil ang kanilang pananaliksik sa mga makabagong teknolohiya para lalo pang mapaunlad ang kanilang negosyo.

“We want to keep learning about the latest technologies that we can use in the business. You can’t stay in the game unless you are a tireless learner and are willing to take risks. You have to constantly innovate, to come up with designs or product lines so that you always have something fresh to offer the market,” pahayag muli ng mag-asawa.

Sa ngayon, pinag-aaralan ng mga Balbin ang posibilidad  na paggawa ng ‘engineered bamboo school desks’ para sa Department of Education.

Ano ang SETUP?

Ang Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP) ay isang stratehiya ng  Department of Science and Technology (DOST) sa bansa na himukin at tumulong  sa mga local at maliliit na mamumuhunan o negosyante  na maisagawa ang mga inobasyon o pagbabagong teknikal at mapaunlad ang kanilang operasyon.

Layunin ng programa na matukoy sa pamamagitan ng DOST ang mga problemang teknikal sa pamamagitan ng DOST technology transfer at technical interventions. Pinahuhusay nito ang aspeto ng  produksiyon, kalidad, manpower development, cost of production, waste management at iba pang mga aktibidad na may kaugnayan sa operasyon.  Tumutulong ang programa na gawing moderno ang  production line ng mga kumpanya at makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.

Upang masuportahan ang nasabing programa,  maaaring maka-avail ng DOST Grant-in-aid (GIA) para sa pamumuhunan sa mga karapat-dapat na mga benipisaryo.

Ito ay maaaring bayaran sa loob ng dalawang taon nang walang interes kung ang isang kumpanya o mamumuhunan ay tutugon sa itinakdang iskedyul ng pagbabayad. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply