“Medal muna bago allowance!”— PSC

NATUKLASAN na gusto muna ng Philippine Sports Commission (PSC) na makapaglatag ng medalya ang mga atleta bago sila mabigyan ng dagdag na allowance.

Ayon sa isang source, ipagpapatuloy ng kasalukuyang liderato ng PSC ang dating strategic planning ng nakaraang pamunuan ngunit iniingatan din nito ang pondo upang hindi ito masayang.

Babantayan na rin umano ng ahensya ang performance ng mga manlalaro upang makita nila kung sinu-sino ang karapat-dapat na mabigyan ng karagdagang benepisyo mula sa ahensya.

“Di naman maaaring demand na lang sila nang demand, kailangang mapatunayan nilang karapat-dapat din silang mabigyan ng malaking allowance,” pahayag ng isang source sa panayam ng Remate Sports.

“Ayaw ng PSC na magbigay sa mga wala namang naidudulot na maganda sa ahensya. ‘Yung mga NSAs (national sports associations) na masyadong demanding, tinatabla talaga ng komisyon.”

Dagdag ng source, magiging unfair umano sa mga nagpapakahirap na magsanay kung gagawing patas ang hatian sa pondo gayung hindi naman nakakapagbigay ng medalya sa bansa ang ilang NSAs.

Lumutang ang senaryong ito matapos mabunyag na tumatanggap diumano ang batang chess grandmaster na si Wesley So ng mula 1 hanggang 2 milyong piso mula sa PSC bilang allowance nito sa international exposure.

Samantala, aminado rin ang isang source na maging si PSC chairman Richie Garcia ay nahihirapan din umano sa pag-aapruba ng tax rebates o travel allowances ng mga atleta.

Kaya kung minsan, ayon sa source, humihingi pa ng rekomendasyon si Garcia sa iba pa niyang commissioners upang matutukan ang tunay na trabaho ng ahensya.

Sa kabila nito, kahit na problemado sa NSAs, sinabi ng isang source na ipagpapatuloy pa rin ng PSC ang paglatag ng mga polisiya upang matutukan ang pagpapatupad ng national sports programs. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply