1.2 tonelada ng hot meat nakumpiska Kyusi

ARESTADO ang dalawa katao makaraang makumpiskahan ng 1.2 tonelada ng hot meat o botcha nang pinagsanib  na operatiba ng Quezon City Police  District (QCPD) at Quezon City Health Department sa lightning raid sa Balintawak Market sa Quezon City, kaninang madaling-araw, Pebrero 22.

Sa ulat ni QCPD Director P/Chief Supt. Benjardi Mantele, kinilala ang mga naarestong sina Rose Garcia, 30,  meat vendor, ng 102 Tabi, Guiginto Bulacan at si Raymund Roxas, 26, ng 245 F. Santos st. Wawa, Balagtas, Bulacan

Sa pagsisiyasat, bandang 2:30  ng madaling-araw nang sumalakay ang dalawang grupo ng awtoridad sa  nasabing public market matapos makatanggap ng impormasyon na bagsakan ito ng  double  dead  na karne ng baboy.

Sa pagsalakay ng awtoridad, nakumpiska ang 400 kilo ng double dead meat sa bangketa habang 800 kilo naman ang nakuha sa isang sasakyang puting Mitsubishi na nakaparada tapat ng Caltex Station sa Edsa Balintawak at nagresulta sa pagkaaresto kay Garcia

Nakuha rin ng awtoridad ang 20 kilos ng hot meat mula kay Raymund Roxas. James de Jesus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply