1 OFW na ang patay sa kaguluhan sa Libya

SA GITNA ng pahayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, isang overseas Filipino worker (OFW) ang nag-ulat na may isang Filipino na ang namatay sa Libya, kung saan nagaganap ang isang malawakang kaguluhang pulitikal.

Sa panayam ng radio station dzMM, isang nagpakilalang Ruel Sangco ang nagsabing sinimulan nang lusubin ng mga sibilyan ang mga pinagtatrabahuhan sa disyerto.

Ani Sangco, nabalitaan niya at ng iba pa niyang kasamahan na may isang Filipino na ang napatay ng mga lumusod sa Wong Co., isang Koreanong kumpanya na nagmimintine ng pipeline sa disyerto ng Libya.

Nagsimula na umano silang lumikas patungo sa boundary ng Ehipto. Nananawagan si Sangco sa Department of Foreign Affairs (DFA) na salubungin ang mga tumatakas na OFW sa Ehipto dahil wala silang dalang pasaporte o anumang dokumento upang payagan silang makapasok sa nasabing bansa.

Samantala, sinabi ni Baldoz na ililikas na ang 150 overseas Filipino workers (OFW) sa Libya mula isang kumpanya.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Baldoz na may 150 OFW ang isasakay sa ferry boat mula Libya patungong Malta.

Sinabi rin ng kalihim na bukod sa voluntary repatriation na ibinibigay nila sa mga mangagawang Pinoy sa Libya ay naghahanda rin ng kanya-kanyang contingency plan ang mga employer ng mga OFW doon oras na kailangan ito.  Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply