1 patay, 2 nawawala sa flashflood sa Quezon

ISA na ang patay at dalawa pa ang nawawala dahil sa flashflood sa bayan ng Perez,Quezon bunsod ng pag-apaw ng Sangirin River matapos umulan ng mahigit anim na oras.

Kinilala ang namatay na si Ynak Mustera, 10-anyos, ng nasabing bayan at ang dalawang nawawala ay ang mag-inang Nora at Jonathan Flores.

Anim na bahay din ang naiulat na tinangay ng tubig baha.

Samantala,patuloy naman ang rescue operation ng awtoridad at anim na pamilya na ang nailikas dahil sa baha. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply