1 patay, 8 sugatan sa ambush

PATAY ang isang guro habang walong kasamahan nito ang nasugatan ng paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang sasakyan ng isang electric cooperative sa lalawigan ng Masbate Sabado ng gabi, Pebrero 26.

Ayon kay PNP spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz naganap ang pananambang dakong alas 7:15 ng gabi sa may Barangay Gaid bayan ng Dimasalang, Masbate.

Dumadaan ang service vehicle ng Masbate Electric Cooperative Inc. na minamaneho ni Dodong Patalinhug na may sakay na walong  katao patungo sana sa Cataingan, Masbate City ng paputukan ng isang grupo ng mga aramdong kalalakihan.

Nahagip ng punglo si Genevieve Arizala, 33, public school teacher na mabilis na isinugod sa pagamutan subalit ideneklrang dead-on-arrival ng mga duktor.

Habang ang mga kasamahan nito ay nagtamo naman ng mga pasa at galos bunsod ng pamamaril.

Dahil dito, isang hot pursuit operation ang inilunsad ng military at Masbate PNP sa mga tumakas na suspek. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply