1 patay sa 5 presong nagtangkang tumakas

ISA ang napatay, tatlo ang muling nadakip at isa ang tuluyang nakatakas nang magtangkang tumakas ang limang preso mula sa kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa bayan ng Teresa, Rizal kaninang madaling araw, Lunes, Pebrero 28.

Alas-3:30 ng umaga nang dumaan sa sinirang exhaust fan ang mga preso nang marinig ni Jail Officer-1 Ray Banggawan, ang nakadestinong jail guard, ang ingay sa loob ng kulungan.

Nang usisain, kinubkob siya ng mga preso. Isa sa mga tatakas ang nakipag-agawan ng baril sa jail guard na siyang dahilan upang mabaril ito at masawi.

Kinilala ang yumaong preso na si Mario Cruz y Ojeda, ng Taytay, Rizal, na may mga kasong five counts ng drug use at drug pushing na nakabinbin sa Branch 71, 78, 80 at 82 ng Republic Act 9165 sa Morong Regional Trial Court.

Ang tatlong nadakip ay nakilalang sina: Garry Borja y Sales, 35, na may kasong drug possession; Reynaldo Tampepe y Lora, 44, na may kasong rape; at Norman Poliarca y Magdamit na may kasong rape.

Ito ay matapos isagawa ang isang follow-up operation ng mga awtoridad.

Tinangka nilang tumakas gamit ang isang kinumander na tricycle (WR-1810) na agad naabutan ng mga awtoridad sa Sagbat Area sa bayan ng Morong, Rizal.

Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang isang presong nakatakas na si Jomer Cruz y Gonzales. Jun Ferrer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply