1 patay sa diarrhea outbreak sa Leyte

PATAY ang isang 70-anyos na lolo sa Leyte dahil sa diarrhea.

Ayon sa Bombo Radyo, mahigit 100 katao ang tinamaan ng naturang sakit sa nasabing probinsya.

Pinakaapektado ng outbreak ang dalawang barangay sa bayan ng San Ricardo.

Naiulat naman ang pinakabatang tinamaan ng naturang sakit ay isang pitong-buwang sanggol.

Sinasabing ang iniinom na tubig na maaaring naging kontamido dahil sa pagbaha nitong nagdaang linggo ang naging sanhi ng diarrhea outbreak sa lugar.

Dahil sa pagtaas na kaso sa naturang probinsya ay naalarma na ang Department of Health (DOH) sa Region 8, na nananawagan na siguraduhing napakuluang mabuti ang tubig bago inumin. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply