10 biyahe ng eroplano sa NAIA nakansela

SAMPUNG parating at palabas na domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport ang nakansela dahil sa sama ng panahon, ayon sa Manila International Airport Authority kahapon.

Nabatid na kinansela ng Philippine Airlines ang kanilang flight PR-477 Manila-Butuan na nakatakdang umalis dakong alas-10:50 ng umaga at ang return flight na PR-478 Butuan-Manila.

Nagkansela rin ang Cebu Pacific ng kanilang Manila-Butuan at Butuan-Manila flights gayundin ang kanilang Catarman-Manila 5J-712 at Ozamis-Manila 5J-782 flights.

Idinagdag pa ng MIAA na kinansela rin ng Air Philippines ang kanilang flights makaraang makatanggap ng abiso na masama ang panahon sa ilang bahagi ng rehiyon sa Mindanao.

Napag-alaman na ang flight 2P-065 Manila-Surigao na nakatakdang lumipad dakong alas-11:30 ng umaga at ang return flight 2P-066 Surigao-Manila dakong alas-3:10 ng hapon ay kapwa nakansela. –Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply