10 patay sa snowstorm sa Estados Unidos

SAMPUNG katao na ang namamatay sa pinakamalalang snowstorm sa Estados Unidos ngayon Pebrero 2011 sa loob ng isang dekada.

Kabilang sa mga estado na nababalot ng makapal na niyebe ay ang Missouri, Indiana, Kansas, Oklahoma at New York.

Umabot naman sa 20.2 pulgada ang kapal ng snow sa Chigago, samantalang bumagsak na sa -5 degress Celsius ang temperatura sa Illinois.

Sa mga estado gaya ng New York, Connecticut at Massachusetts ay maraming establisimyento ang bumagsak at nasira dahil sa snowstorm.

Naiulat din na sa loob ng mahigit isang dekada ay ngayon lang isinara ng Chicago ang mga paaralan nila. Isinara rin ang Chicago Lake Shore Drive na naging sanhi ng pagkaka-stranded ng daan-daang pasahero.

Kaugnay nito, kanselado na ang mahigit 5,500 flights at grounded din ang O’Hare Airport sa Chicago.

Sa sobrang lakas ng snowstorm, tinatayang 200,000 na mga establimyento at bahay sa Ohio ang walang suplay ng kuryente, samantalang sa New Jersey, Pennsylvania ay 100,000 din ang walang kuryente.

Inaasahan din na magkakaroon ng rotating blackouts sa Texas sanhi ng mataas na demand ng kuryente dahil sa malakas na snowstorm. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply