12 Pinoy na-trap sa gumuhong gusali sa Christchurch, NZ

UMABOT na sa 12 ang bilang ng mga Filipino na na-trap sa isang gumuhong gusali sa Christchurch, New Zealand, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ang nasabing lungsod, kung saan ay naninirahan ang 2,000 Filipino, ay nakaranas ng magnitude 6.3 na lindol noong Martes, Pebrero 22.

Sa panayam ng dzMM, sinabi ng isang kamag-anak ng Pinoy sa Christchurch na dismayado sila sa mga naglabasang balita na ayos lamang at ligtas ang mga Filipino sa nasabing lungsod.

Aniya, ang katotohanan ay may mga Pinoy na naipit sa isang gumuhong gusali sa Christchurch, kabilang ang kanyang hipag na si Ivy Jane Cabunilas.

May isa umanong nahugot na.

Patuloy naman na humihingi ng tulong sa gobyerno ang mga kamag-anak ng Filipino sa nasabing lungsod.

Ayon naman kay Linda Amantillo, ina ng isang Pinoy na naipit sa gumuhong gusali, nagawa pa nitong tumawag sa kanyang tiyahin na nasa ibang bahagi ng New Zealand nang ma-trap sa isang gumuhong gusali doon. Humihingi aniya ng tulong ang kanyang anak sa tiyahin dahil naipit ito.

Dagdag pa ni Amantillo ay na nakapag-text pa sa kanya ang kanyang anak hanggang Martes ng umaga (oras sa Pilipinas), subalit hindi na ito nasundan pa.

Inamin niyang lubos siyang nababahala pati na ang kanyang pamilya.

Umaapela rin ang kanilang pamilya sa pamahalaan na tulungan ang kanyang anak at ang iba pang Pinoy na maaaring kasama sa mga na-trap na gusali doon.

Kaugnay nito, ay tiniyak naman ni Ed Malaya, spokesperson ng Department of Foreign Affairs (DFA), na inaasikaso na ng consul ng Pilipinas sa New Zealand ang sitwasyon ng mga Pinoy na nabiktima ng lindol.

At sinabi rin ng DFA na isang embassy team ang ipadadala doon upang tumulong sa search and rescue operation ng mga awtoridad doon. Bineza Zapanta


loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply