10 priority bills hinahanda na

KASALUKUYANG isinasapinal na ang 10 panukalang batas na nakatakdang iharap sa LEDAC meeting.

Sa huling linggo dapat isagawa ang kauna-unahang LEDAC meeting pero hindi natuloy.

Wala pang bagong abiso sa schedule kung ito ay matutuloy habang inaayos pa umano ang mga panukalang batas na gawing prayoridad ng Aquino administration.

Sinabi ngayong Lunes,ika-1 ng Pebrero ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, pangunahin sa legislative agenda ang Responsible Parenthood Bill na sentro ng kanilang seryse ng dialogues sa mga Obispo.

Pursigido umano ang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na magpatawag ng LEDAC meeting, patunay dito ang pagtatalaga kay Ramon del Rosario bilang miyembro ng konseho na kumakatawan sa private sector. Gwenn Salamida

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply