10,000 nars itatambak sa nayon

‘ITATAMBAK’ ng Senado ang mga sobrang bilang ng nagsisipagtapos ng kursong nursing sa kanayunan o sa rural areas bilang tugon sa kakapusan ng mapapasukan sa loob at labas ng bansa ng  bagong graduates.

Sa kanyang ulat sa Senado, sinabi ni Sen. Edgardo Angara, na nakatakdang ipadala ng Department of Health ang mahigit 10,000 nars sa kanayunan bilang bahagi ng programang Registered Nurses for Health Enhancement and Local Services.

Katunayan, ayon kay Angara, chairman ng Congressional Commission on Science, Technology and Engineering, nakatakdang simulan ang programa sa pamamagitan ng pagpapadala sa susunod na linggo ng 243 nurses sa 28 munisipalidad sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental.

Patuloy umanong nakikipagpulong ang komite sa mga lider ng nursing profession upang makahanap ng solusyon sa kawalan ng oportunidad sa mga nagsisipagtapos ng nursing sa Pilipinas at pagbagsak ng kalidad ng nursing education kaya’t naghain ang senador ang isang panukala para sa pagpapaunlad ng community healthy services at health team placement sa kanayunan.

“Primary health services remain elusive or inaccessible to majority of our population, especially those living in the rural and poor areas of the country. As for our health care practitioners, particularly those in the nursing profession, a good number of them are denied employment opportunities to practice their trade and, consequently, the training to further improve their skills,” ayon kay Angara.

Layunin pa ng programa na mapaunlad ang paghahatid ng pangunahing serbisyong medikal sa mamamayan at makalikha ng hanapbuhay para sa mga nars at sanayin ang kanilang kakayahan sa proseso.

“Conversely, increasing jobs and skill level in the health sector will render primary health services more available to the public,” ayon sa senador.

Nabatid na programa ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Regulation Commission-Board of Nursing at Philippine Nursing Association ang RN HEALS.

Natuklasan ni Angara na umaabot lang sa 190 health workers ang nagsisilbi sa bawat 100,000 katao sa Region 1.

“ If passed, the bill would establish one Local Health Unit (LHU) for cities and municipalities with a population of more than 20,000, and at least one registered nurse per 5,000 people, and no less than 2 nurses for each LHU,” aniya. Ernie Reyes/Vicky Cervales

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply