11-anyos nabaril ng kalaro

NAKALIGTAS sa tiyak na kapahamakan ang 11-anyos na batang lalaki matapos aksidenteng mabaril ng kanyang 12-anyos na kalaro sa Davao City, iniulat Lunes.

Naunang dinala sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang biktima pero agad ding inilipat sa isang pribadong ospital sa Sto. Niño, Tugbok, Davao City.

Sinisi ng mga pulis ang mga magulang ng suspek dahil sa kapabayaan.

Lumabas sa imbestigasyon na naglalaro ang biktima at ang salarin ng baril-barilan gamit ang totoong baril na kalibre .38 at kalibre .45, na pag-aari ng kanilang mga magulang, nang pumutok ang isa at tumama sa ulo ng biktima.

Wala pang pahayag ang pamilya ng biktima kung magsasampa sila ng kaso laban sa menor-de-edad na suspek. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply