11 menor pumuga sa DSWD

LABING-ISANG menor de edad na nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pumuga Lunes ng madaling araw, Pebrero 21  sa Navotas City.

Nakatakas ang mga bagets matapos lagariin ang rehas ng kanilang selda.

Ang mga nakatakas ay nakilalang sina: Rodel Ordello, Niño Kiskisan Rico Labian,  Virgilio Paragas, Bryan Ortillano, Daryl Salvador, Mark Philip Batesar, Reymond Gaspar, Demostenes Duilbuena, Rommel Alonzo, pawang may mga kasong theft at robbery.

Samantala agad inatasan ni Supt. Bernard Tambaoan ang kanyang mga tauhan  na tugisin ang mga nagsitakas.

Agad namang nasakote sina Batesar at Duilbuena sa kanilang hideout sa Navotas Fishport, habang ang mga kasamahan nito ay patuloy na pinghahanap ng mga awtoridad.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Resty Castillo, ng Station Investigation Division (SID), ganap na 3:04 kahapon ng madaling araw ng maganap ang pagpuga  ng mga suspek.

Nabatid, ilan sa mga tumakas na preso ay lumikha muna ng ingay sa pamamagitan ng pagpatunog  na malakas ng kanilang radyo habang ang iba naman ay patuloy sa paglagare ng bakal sa likurang bahagi ng gusali.Roger Panizal

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply