’11 Pinoy na lang ang nawawala sa NZ quake’

LABIN-isang Filipino na lamang ang nawawala kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Christchurch City, New Zealand noong nakaraang linggo.

Ayon kay Philippine Charge d’Affaires in Wellington Giovanni Palec , kumpirmadong hindi Filipino national ang isang Elisa Torres, na una ng kabilang sa listahan ng mga Filipinong pinaghahanap kasunod ng pagtama ng 6.3 magnitude na lindol sa naturang lugar.

Kasabay nito, inihayag ni Palec na ang mga kumpirmadong missing na mga Pinoy ay sina: Jesse Lloyd Redoble, John Christopher Chua, Ezea Mae Medalle, Emmabel Anova, Jewel Francisco, Ivy Jane Cabunillas, Mary Louise Anne Amantillo, Valquin Bensurto, Rhea Mae Sumalpong, Erica Nora at Lalaine Agatep.

Anya, bigo pa rin ang mga search and rescue teams na mahanap ang mga ito.

Una rito, inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA)  na 14 ang bilang ng mga Filipino na nawawala at pinaniniwalaang natabunan ng mga gumuhong gusali.

Pero nitong araw ng Biyernes, iniulat na nakita na at ligtas naman ang dalawang Filipino survivors na sina Rita Estrella at Hayley Concepcion.

Inaayos na ng DFA ang mga travel requirements ng mga pamilya at kamag-anak ng mga nawawalang Filipino para sa kanilang pagtungo ng New Zealand.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply