1,100 ektarya ng pananim sa North Cotabato sinalakay ng pesteng daga

AABOT sa 1,100 ektarya ng pananim ang sinalakay ng pesteng daga sa ilang bayan ng North Cotabato.

Nabatid sa ulat ng Kabacan Municipal Agriculture Office,ang sinalakay ng pesteng daga ay ang maisan, kasama ang niyog at puno ng palm oil sa Kabacan.

Ayon sa ulat kasama rin sa sinalakay ng pesteng daga ang nayon sa Nangaan, Simone at Salapungan, ayon pa sa municipal agriculture sa lugar.

Sinasabing nasira din ang kabuuang 748 ektarya ng pananim na bigas sa barangay ng Malanduage, Cuyapon, Kayaga, Upper at Lower Paatan, Kilagasan, Katidtuan, Sanggadong, at Dagupan.

Nitong nakaraang buwan, nagtala ang nasabing ahensya ng 1,357 ektarya ng bigas at pananim ng mais mula sa 13 sa may 24 barangay sa bayan na sinalakay ng mga daga.

Umabot sa P12 million halaga ng pananim ang nasira mula sa nasabing pananalakay ng pesteng daga sa nasabing bayan at kalapit bayan sa North Cotabato noong November ng nakalipas taon. Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply