12 ektaryang taniman ng opium, marijuana sinunog

SINILABAN ng magkasanib pwersa na Philippine Airforce (PAF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 12 ektarya ng taniman ng marijuana at opium poppy seeds sa Benguet.

Ayon sa ulat ni PAF Spokesman Col. Mike Ocol, apat na helicopters ang kanilang ginamit para makarating ang grupo sa naturang plantation kung saan sinunog ang mga marijuana at opium poppy seeds na nagkakahalaga ng 15 milyong piso.

Inaalam pa ng awtoridad kung sino ang financier ng naturang plantation na natuklasan ng mga tauhan ng PDEA nitong nakaraang linggo. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply