12 namatay sa sunog sa Navotas ipalilibing ng libre

MAKAAASA ang pamilya ng 12 katao na namatay sa sunog nitong Sabado, Enero 29, na sasagutin ng pamahalaang lokal ng Navotas ang pagpapalibing ng mga biktima.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, sa pamamagitan ng libreng libing program ng lokal na pamahalaan ay hindi na magkakaproblema ang mga namatayan sa sunog.

Bukod dito, siniguro rin ng alkalde na hindi maaapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante sa San Roque National High School kung saan dinala ang mga naapektuhang pamilya.

Sinabi nito na nakatakda na nilang ilipat sa covered court ang mga pamilyang nasunugan nang sa gayon ay hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante.

Matatandaan na dakong 11:08 ng gabi nitong Sabado, Enero 29, nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang George Milagroso at agad na kumalat sa mga kalapit bahay na nagresulta sa pagkatusta sa 11 katao habang inatake naman sa puso. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply