12 OFW nakatawid na sa Egyptian border

NAKATAWID na sa Egyptian boarder ang 12 overseas Filipino worker (OFW) na naipit sa kaguluhan sa Libya.

Batay sa ulat ng Department of Foreign Affairs  (DFA), ang mga naturang OFW ay mga engineer at manager mula sa Korean construction firm na Won Co. na inilikas ng kanilang employer mula sa Tobruk, Libya patungo sa Salaum, Egypt.

Kabilang sa mga OFW na nasa Egypt at babalik sa Pilipinas sa mga susunod na araw ay sina Engel Basa, Ruel Ascaño, Reynan Maranan, Joel Almeda, Joseph Dapitan, Joe Salas, Alex Villalobos, Michael John Noble, Frankie Saludaga, Jarie Dela Cruz at Mark Sabay.

Una namang dumating sa Egypt ang enhinyerong kinilala lamang sa pangalang “Tuvera” na tumawid mula sa Tobruk, Libya patungo sa Alexandria kasama ang kanyang employer noong nakaraang Miyerkules.

Sinabihan na rin ng DFA ang mga employer sa Libya na makipagtulungan sa embahada para sa pagpapabalik ng mga OFW. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply