12-Pinoy sa gumuhong gusali sa NZ, kumpirmadong buhay

KINUMPIRMA ng Pinoy na si Dr. Rose Ruiz sa Christchurch City na buhay pa ang 12 Pinoy na na-trap sa ilalim ng gumuhong gusali sa nasabing lungsod matapos tumama ang isang 6.3-magnitude na lindol sa New Zealand noong Martes.

Batay sa pinaka-huling  tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 14 ang bilang ng mga Pinoy na nawawala. Ang pinakahuli sa mga ito ay sina Rita Estrella at Hailey Concepcion, na nakatira malapit lamang sa gumuhong gusali ng Canterbury Television (CTV).

Nabatid na sa unang ipinalabas na listahan, kinilala ng DFA ang 12 Pinoy na na-trap o nawawala sa nasabing CTV Building na sina Jesse Lloyd Redoble, John Christopher Chua, Ezra Mae Medalle, Emmabel Anovo, Jewel Francisco, Ivy Jane Cabunillas, Elisa Torres, Mary Louise Anne Amantillo, Valquin Bensurto, Rhea Mae Su­malpong, Erica Nora, Lalaine Agatep.

Ayon sa DFA, nakatanggap ang kagawaran ng tawag mula kina Nora at Agatep at humingi ang mga ito ng tulong dahil nahihirapan na umano sila dahil hindi sila makaalis sa ilalim ng lamesa kung saan sila nagtago nang naganap ang lindol.

Ayon kay Prime Minister John Key, bukod sa naturang bilang ay higit 200 pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Kabilang sa mga nawawala ay mga estudyante mula sa Japan, Thailand at iba pang Asian countries na pinaniniwalaang natabunan ng gumuhong English language school.

Samantala, tinatayang aabot naman sa $12 milyon ang kabuuang pinsalang tinamo ng bansa dahil sa nasabing lindol. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply