12 pulis na nakadakip ng carnappers pinuri

MATAGUMPAY na nairaos ng Southern Police District Office (SPDO) ang ika-20 aninbersaryo na ginanap sa SPD Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City Lunes ng umaga.

Ang anibersaryo ay pinangunahan ni SPDO Chief Arne delos Santos at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pagsisimula ng okasyon.

Naging bahagi ng selebrasyon ang pagbibigay ng commendation sa 12 magigiting na pulis na nakaaresto ng apat na carnapper sa Makati City noong Disyembre 23, 2010.

Ang mga pulis na binigyang-papuri ay sina: Supt. Jose Rony Velasco, SPO4 Onesimo Recote, SPO3 Levi Dimaala, SPO2 Virgilio Dollente, PO3 Sonny Floren, PO3 Lecson Lucas, PO3 Alvin Balanta, PO3 Donnies Villadolid, PO2 Hongilon Aldave, PO2 Eduardo Delos Santos Jr., at PO1 Rommel Isidro.

Kasabay nito, pinagkalooban sila ni Cayetano P500 bawat isa bilang karagdagang gantimpala.

Nabawi sa mga suspek ang chop-chop na parte ng kinarnap na motorsiklong Honda Wave na may plakang ZN-9921 na natagpuan sa isang warehouse sa Bagong Bayan, Taguig City. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply