120 pamilya apektado sa sunog sa Tondo

TINATAYANG 120 pamilya ang apektado makaraang maging abo ang 60 kabahayan sa sunog sa Tondo Maynila habang anim naman ang sugatan sa sunog sa Binondo, madaling-araw ng Huwebes.

Sa report ng Bombo Radyo, sinabi ni Manila Fire District C/Insp. Bonifacio Carta na natanggap nila ang impormasyon na may sunog sa Tondo bandang 3:00a.m.

Nabatid na nahirapang maapula ang sunog ng mga rumespondeng bombero dahil sa laki ng apoy.

Ayon pa sa report, halagang P2.5 milyong ari-arian ang nasira ng nasabing sunog.

Kasalukuyang inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Samantala, kasabay ng pagsalubong ng Chinese New Year ngayong araw, tinupok ng apoy ang isang artment sa Bindon, Maynila.

Ayon sa inisyal na report, anim katao ang isinugod sa hospital. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply