127 bading ikinulong sa Bahrain

UMAABOT sa 127 bading ang sinasabing ikinulong ng securtity forces sa Bahrain, ayon sa ulat ng organisasyong nagtatanggol sa karapatan ng third sex o bakla.

Sa ulat, sinabi ni Goya Candelario, tagapagsalita ng Progressive Organization of  Gays in the Philippines (Progay), na inaresto ng pulisya ang 127 kalalakihan mula sa Syria, Lebanon at iba pang bansa sa Gitnang Silangan dahil sa pagpapakasal nila sa kapwa lalaki.

Naganap ang same-sex marriage sa Hidd, konserbatibong barangay sa Muharraq Island sa Bahrain.

Ayon sa pulisya, dinampot ang mga dumalo sa kasal dahil sa paggamit ng kolorete sa mukha, pagsusuot ng damit pambabae at pag-inom ng alkohol.

Nagsasagawa na rin ang awtoridad ng imbestigasyon kung ang mga naaresto ay nagsagawa ng pagtatalik sa kapwa kalalakihan.

“Natatakot kaming mga baklang Filipino sa kalagayan ng aming mga ka-federasyon sa Bahrain, dahil nakita namin ang lupit ng mga security forces na pumatay sa mga rallyista na nananawagan lamang ng demokrasya,” ang sabi ni Candelario.

Kasunod nito, nanawagan ang Progay sa pamahalaan ng Bahrain na igalang ang karapatang pantao ng mga homosexual.

Sumusuporta rin ang Progay sa lumalakas na people power revolutions sa Egypt, Tunisia, Yemen, Iran at Libya.

Sinabi ng mga militanteng bakla na panahon na para umusbong ang demokrasya sa mga rehimen na may matagal nang kasaysayan sa pagsupil sa karapatan ng mga bakla at mamamayan.

Ang homosexuality ay iligal at may karampatang mga parusa sa mga bansang Islam. Madalas umanong mandahas ang mga pulis, secret agents at military sa mga bakla.

Umaasa ang Progay na lalakas ang mga kilusan ng mga lesbian, gay, bisexual, at transgender sa Middle East, at bibigyan na sila ng pagkakataon na magmahal nang malaya sa paglabag ng karapatang pantao. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply