129 babaing OFWs mula Jeddah, makakauwi na ng Pinas

INIULAT ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kay Labor Secretary Rosalinda S.  Baldoz na may tatlong batch ng overseas Filipino workers na may kabuuang 129 kababaihan at kanilang mga anak buhat sa Jeddah ang nakatakdang dumating sa Pebrero 3 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita S. Dimzon, ang unang batch ay 66 kababaihan kasama ang kanilang mga anak sakay ng EY 424 na dumating ng ika-4 ng hapon, Martes Pebrero 1.

Habang ang ikalawang batch na  may 34 na babae at kanilang mga anak ay darating naman sa NAIA 11:10 ng gabi, Miyerkules ng gabi.

Sa Huwebes ng 11:10 ng gabi naman darating ang may 29 pang babae kasama ang kanilang mga anak sakay ng EY 428,

Ang repatriation ng OFWs ay naging posible matapos atasan ng DOLE ang OWWA bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III na palawigin ang tulong para sa overseas workers.

Ang OWWA repatriation unit ang tutulong sa mga OFWs sa kanilang pagdating para maisaayos ang kanilang customs at immigration procedures.

Sinabi pa ni Administrator Dimzon, pagkakalooban ng pagkain ang mga OFWs sa OWWA Halfway House sa Pasay City habang inaayos pa ang kanilang pagbiyahe pabalik sa kani-kanilang probinsiya.

Bukod dito, isasailalim ang mga OFWs at kanilang mga anak sa medical check up na ipinagkaloob ng OWWA gayundin sa debriefing session. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply