14 tauhan, opisyal ng LTO sabit sa carjacking

AABOT sa 14 tauhan at opisyal ng Land Transportation Office (LTO) ang umano’y isinasangkot ng PNP-Highway Patrol Group sa carjacking.

Kaugnay nito, ipinadala na ng LTO sa pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pangalan ng mga tauhan ng LTO na sinasabing sangkot sa carjacking.

Gayunman, hindi naman pinangalanan ni LTO Chief Virginia Torres ang aniya ay 14 na tauhan ng LTO na naisumite sa DILG upang hindi aniya maapektuhan ang pagbusisi ng dalawang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa isyu.

Kaugnay nito, sinabi ni LTO Executive Director Redentor Reyes, chairman ng Anti-Carnapping Committee ng LTO, may sarili na ring ginagawang imbestigasyon ang tanggapan hinggil sa mga tauhan na sinasabing sabwat sa sindikato ng pagrerehistro ng mga carnap na sasakyan.

Sa ngayon, wala pa naman aniya silang napapatunayang mga tauhan na tunay na sangkot sa carnapping syndicate pero may nakasuhan na silang mga tauhan dahil sa paglabag sa rules and regulations ng ahensiya.

Kaugnay nito, nanawagan si Torres sa publiko na kung sakaling may makitang bagong sasakyan na luma ang car plates  o luma ang sasakyan pero bago ang car plates ay agad na itext sa LTO 2600 o itawag sa 921 9071 para sa kaukulang aksiyon dahil siguradong may problema ang papel ng sasakyang ito. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply