15-anyos na dalagita dinukot, ni-rape

ISANG 15-anyos na dalagita ang dinukot saka pinagpasasaan ang bubot nitong katawan sa loob ng dalawang araw nang isang tricycle driver sa bayan ng Malabon.

Sa report na nakalap mula sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Malabon PNP, ang biktima na itinago sa pangalang Janna, taga-Valenzuela City ay pormal nang nagsampa ng reklamo laban sa arestadong suspek na si Roden Palmon, 23, ng 22 Little Pampanga St., Brgy. Balangkas, ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, noong Martes, Pebrero 1 , dakong alas-9:00 ng gabi nang tangayin ni Palmon ang dalagita sa harap ng simbahan ng San Diego de Alcala sa Bgry. Polo.

Ayon sa dalagita, dinala siya ng suspek sa isang bahay sa Brgy. Tonsuya at doon namalagi ng dalawang araw. Sa panahong hawak ng suspek ang dalagita, paulit-ulit diumano siyang hinalay .

Nakarating naman sa kaalaman ng ina ng biktima ang pagtangay sa anak nito ng suspek kaya’t nakipag-ugnayan agad ito sa pulisya upang matunton ang pinagdalhan sa dalagita.

Inabutan naman ng mga operatiba ng pulisya ang dalagita kasama ang suspek sa tinuluyan nilang bahay.

Nakapiit na si Palmon habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanya. Merly Iral

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply