16 na OFW sa Madagascar tinamaan ng malaria

TINAMAAN ng sakit na malaria ang 16 na overseas Filipino worker (OFW) na nagtatarabaho sa isang minahan sa Madagascar.

Ayon kay Ed Malaya, spokesperson ng Department of Foreign Affairs (DFA), kumpirmadong mayroong 16 na manggagawang Pinoy sa nasabing bansa ang nagka-malaria, ngunit nilinaw nito na walang outbreak dahil nakasentro lang sa pinagtatrabahuhang minahan lang ang kumakalat na sakit.

Dahil dito, nagpadala na na sang team ang Philippine embassy sa Madagascar upang magbigay ng tulong sa mga OFW na nagka-malaria.

Sinabi pa ni Malaya, ipamamahagi sa mga Pinoy doon ang kulambo at mga gamot para malabanan ang naturang sakit. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply