16 volcanic earthquake sa Mt. Bulusan naitala

NAKAPAGTALA ng 16 na volcanic earthquake ang Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras.

Sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang dalawang pagyanig ay naganap 9:12 ng umaga at 10:27. Itinuturing ang mga ito na “explosion-type earthquakes.”

Naiulat kahapon na na umabot ng tatlong kilometro ang taas ng ibinugang makapal na usok na may kasamang abo at buhangin.

Ang Masbate City ang isa sa inabot ng nasabing pagbuga ng bulkan.

Patuloy pa rin ang pagpapaalala ng Phivolcs sa mga residente na nasa northwest at southwest na bahagi ng bulkan na mag-ingat.

Samantala, namigay ang lokal na pamahalaan sa Sorsogon ng libreng gas mask sa mga apektadong lugar. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply