160 bahay sinira ng buhawi sa Sarangani

NASIRA ang may 160 kabahayan habang ang ilan ay nagtamo ng sugat makaraang tumama ang isang Buhawi sa isang residente ng Sitio Burias, Punsad, Glan, Sarangani Province.

Dahil dito, binigyan ng kaukulang tulong ng lokal ang mga apektadong residente.

Ayon sa ulat ni Glan Mayor Victor James Yap, maraming mga puno ng niyog, mangga, saging at iba pang mga punong kahoy ang nabuwal dahil sa pagsalanta ng buhawi.

Nabatid na kaagad na nagbigay si Mayor Yap ng mga pagkain, inuming tubig at damit upang magamit ng mga apektadong residente.

Inaalam pa kung magkano ang danyos sa nasabing kalamidad habang nasa mabuting kalagayan na ngayon ang mga nasugatan. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply