17 na patay sa landslide sa Mindanao

UMAKYAT na sa 17 ang kumpirmadong namatay dahil sa pagbaha at landslides sa Regions VIII, X, XI, Caraga at ARMM sa mga nakalipas na linggo.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exec. Dir. Benito Ramos, maliban sa bilang ng fatalities, mayroon pa umanong tatlong katao ang nawawala.

Pinakamatindi naman aniyang sinalanta ng kalamidad ay ang Caraga Region, naitalang 11 na ang binawian ng buhay.

Nitong nakaraang linggo lamang, idineklara ang state of calamity sa buong bayan ng Jolo, Sulu.

Sa latest report ng NDRRMC, bahagya nang humupa ang tubig-baha sa maraming barangay sa naturang lugar maliban sa ilang low-lying areas.

Ang nabanggit na mga insidente ay dulot ng walang tigil na pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao dahil sa epekto ng Low Pressure Area.

Samantala, sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (Pagasa) ngayong araw ng Linggo, Pebrero 6, huling namataan ang Shallow Low Pressure Area (SLPA) sa layong 220 kilometro, kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

Patuloy din umano ang epekto ng buntot ng cold front sa northern at central Luzon. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply