17 Pinoy minaltrato ng employers sa Dubai balik-Pinas na

NAKABALIK na sa Pilipinas ang 17 overseas Filipino worker (OFW) mula sa Dubai na pinagmalupitan ng kanila-kanilang amo.

Ang 17 OFWs ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ng Gulf Air Flight GF 154, Miyerkules ng tanghali, Pebrero 23.

Ilan sa inireklamo ng mga OFW ang pagmamaltrato sa kanila ng mga amo kabilang ang pananakit, verbal abuse at ang hindi pagpapasahod.

Sinabi ni Carmelita Dimzon, administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na pansamantalang mananatili sa OWWA center ang naturang OFWs para kunan ng mga impormasyon kaugnay sa kanilang recruiter at employer.

Tiniyak ni Dimzon na bibigyan din ng pamasahe pauwi ng kanilang probinsya ang mga OFW na walang bahay sa Metro Manila.

Samantala, patuloy ang pagbabantay ng OWWA region 7 sa sitwasyon sa Egypt, Libya, Bahrain at Yemen kung saan naka-deploy ang mahigit 5,000 Cebuano. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply