18-taong pagkabilanggo para sa dating alkalde

PINATAWAN ng Sandiganbayan First Division ng parusang pagkakakulong ng 18 taon si dating Mayor Marius Y. Ladio ng Tayug, Pangasinan matapos mapatunayang guilty umano sa paglustay ng public funds.

Nabigo umano si Ladio na ma-account ang P500,000 na naibigay sa kanya noong 2001 na laan para sa 10-year upfront lease para sa pribadong lupa na kinatatayuan ng Tayug Municipal Hall.

Bukod dito,pinagbabayad din si Ladio ng halagang P500,000 bilang multa sa ginawa at inatasan itong magbayad ng P500,000 sa munisipyo kasama na ang interes nito hanggang sa mabayaran ng buo ang salapi.

Hindi naman pinaniwalaan nina Associate Justices Rodolfo A.Ponferrada, Rafael R. Lagos at Efren N. dela Cruz, First division chairman, ang alegasyon ni Ladio na ang  P500,000 ay  reimbursement para sa kanyang  personal funds na ginamit niyang pambayad sa scholarships ng mahihirap na mag-aaral,  repair ng  barangay roads at pagbili ng gamot para sa mga  local beneficiaries.

Samantala, kulong na isang taon naman ang hatol ng Sandiganbayan kay dating Mayor Khan S. Isnaji ng Indanan, Sulu, gayundin sa municipal accountant nitong si Rajik Hamsan dahil sa paglabag sa Section 52(g) ng RA No. 8291 o Government Service Insurance System Act of 1997 dahil sa delay ng pagbibigay ng remittance sa naibayad na contributions ng mga empleyado ng munispyo mula buwan ng Hulyo, Agosto, Oktubre, Nobyembre at Disyembre 2001.

Pinagbabayad din ang dalawa ng tig-P10,000 bilang multa sa nagawa. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply