183 LGUs kakasuhan ng DENR

PLANONG kasuhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang may 183 lokal na pamahalaan bunsod ng paglabag sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.

Ang natukoy na 183 local government units (LGUs ) ay naisyuhan na ng final notices dahil sa kabiguang ipatupad ang pangangasiwa sa basura na alinsunod sa RA 9003.

Bunsod nito, babantayan na ng ahensiya ang mga lokal na pamahalaan kaugnay sa pagtugon sa Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act upang matukoy at mapanagot ang iba pang LGUs na palpak sa pangangasiwa ng basura.

Nabatid na nagbigay na ng instruksyon ang DENR sa Environmental Management Bureau (EMB) at sa National Solid Waste Management Commission (NSWMC) na magtulungan sa pagmamanman sa estado ng pangangasiwa ng basura ng LGUs.

Batay sa talaan ng NSWMC, nasa 1,205 ang tapunan ng basura sa bansa ngunit 33 lamang dito o wala pang tatlong porsiyento ang sanitary landfills na napakikinabangan ng 55 LGUs.

Ang natitirang 1,172 ay open at controlled dumps, at 535 dito ay nakatakda nang sumailalim sa rehabilitasyon o pagsasara.

Desidido ang DENR na paigtingin pa ang kampanya para maobliga ang LGUs na sumunod sa itinatakda ng batas na paggamit ng sanitary landfills sa halip na dumpsites. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply