2.5M patay kada taon dahil sa alak

HUMIGIT-KUMULANG na 2.5 milyong katao ang namamatay bawat taon dahil sa sobrang pag-inom ng alak, ayon sa World Health Organization (WHO).

Ayon kay Dr. Shekhar Saxena, direktor ng Mental Health and Substance Abuse Department ng WHO, sinasabi ng isang isinagawang pag-aaral na 9 na porsiyento ng kamatayan ng tao ay bunsod ng “alcohol use.”

Paliwanag ng opisyal ng WHO, sinisira ng sobrang pag-inom ng nakalalasing na inumin ang atay ng tao.

Bukod dito, nagiging sanhi rin umano ito ng pagkakaroon ng epilepsy at mental disturbance ang nasabing bisyo na siyang karaniwang dahilan ng mga aksidente sa lansangan at pagkakaroon bayolenteng pag-uugali.

Napatunayan din sa pag-aaral ng WHO na ang pag-abuso sa paggamit ng alkohol ay dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa katawan.

“Alcohol is also a causal factor in 60 types of diseases and injuries,” anang WHO.

Pinayuhan ng WHO ang publiko, partikular ang mga mahihilig na uminom ng mga inuming nakalalasing, na huwag abusuhin ang kanilang sarili.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply