2 akyat-bahay todas sa QCPD operatives

Patay ang dalawang lalaki na hinihinalang miyembro ng akyat bahay gang matapos makipagpalitan ng putok sa tropa ng Quezon City Police sa nasabing lungsod madaling araw ng Martes, Pebrero 8.

Isinalarawan ni Capt. Roberto Razon Hepe ng Station Intelligence Investigation Branch (SIIB) Police Station 3 ang isa sa nasawing lalaki na tinatayang may edad 25-30, may taas na 5’3, nakasuot ng brown colored pants, black jacket, black sando at may tattoo sa leeg na romantiko at nica naman sa tiyan nito.

Samantala ang ikalawang suspek ay tinatayang nasa edad 30-35, may taas na 5’5, naka-brown jacket, brown t-shirt, at may tattoo na cris sa katawan.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Harry Budomo ng nasabing himpilan, naganap ang insidente ganap na 2:15 ng madaling araw sa Road 19, Brgy. Bahay Toro Quezon City.

Nabatid na habang nagpapatrolya ang tropa ng pulisya sa pangunguna ni Capt. Razon sa nasabing lugar ay namataan nila ang kahinahinalang kilos ng isang lalaki sa Rd. 18 Brgy., Bahay Toro.

Sa loob ng compound ay tinatanggal ng hinihinalang akyat bahay ang ilaw kaya agad na sinita ng mga awtoridad ang mga suspek na dahilan upang magtatakbo ang mga ito palayo sa lugar.

Lumitaw sa pagsisiyasat, habang tumatakbo ang mga suspek ay pinaputukan nila ang mga humahabol na pulis kung kaya’t napilitan na rin na gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Sa kahabaan ng Rd. 19 ng naturang lugar bumulagta ang dalawa miyembro ng akyat bahay na kapwa armado ng kalibre .38 na baril.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang backpack na kanilang bitbit habang tumatakas na naglalaman ng Single tire range , dalawang piraso ng packaging tape, at dalawang arm pistol .38 caliber.

Nadiskubre din ng mga awtoridad ang isang cellpone na gamit ng grupo kung saan may nakitang text message ang mga pulis mula sa isang nagngangalang Boy Lai na nagsasabing ‘pare tirahin mo na para maagkapera tayo.’ Gwenn Salamida/James de Jesus with photo by Mang Canor

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply