2 araw na fund raising hirit para sa biktima ng DLSU blast

HUMINGI ng permiso kay Manila Mayor Alfredo Lim, Martes, Pebrero 15 ang mga biktima sa naganap na pagpasabog sa tapat ng De la Salle University sa nakalipas na bar examination noong Setyembre 26, 2010, na payagan silang makapagdaos ng dalawang araw na fund raising sa Maynila.

Nabatid na bumisita sa tanggapan ng alkalde ang ilan sa biktima sa pangunguna ng naputulan ng paa na si Raissa Laurel para sa isasagawang dalawang araw na fund raising nang sa gayon ay makalikom sila ng pondo na kanilang gagastusin sa  “legal battle” laban sa  umano’y utak ng krimen.

Kasabay nito, binigyan ng direktiba ni Lim si Secretary to the Mayor Atty. Rafaelito Garayblas na tulungan sina Laurel para sa kakailanganing dokumento sa pagsasagawa ng  fund raising concert at unity run sa darating na Pebrero 19 sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Nauna rito, magugunita na may 47 estudyante ang nasugatan dahil sa pagpapasabog kung saan kabilang sa naputukan ng paa si Laurel at Ledda.

Agad namang inatasan ni Lim si Garayblas na magkaloob ng special permit at makipag-coordinate sa Manila Traffic Bureau, kaugnay sa dalawang araw na fund raising project na pinaplano ng DLSU blast victims. Verlin Ruiz/ Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply