2 arestado dahil sa Oplan Galugad

DAHIL sa Oplan Galugad ng NPD police dalawang hinihinalang holdaper ang nasakote matapos mahulihan ng patalim at baril nang sitahin ng mga pulis ang kanilang sinasakyang tricycle sa isang check point sa Brgy.Parada  Valenzuela City Sabado ng madaling araw, Pebrero 12.

Ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police ay nakilalang sina Norman De Guzman, 29, at Roderick Sala, 25, kapwa residente ng Tamaraw Hills Brgy. Marulas ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela-PNP, bandang 3:30 ng madaling araw nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga awtoridad sa kahabaan ng Capt. Cruz St., Brgy. Parada, Valenzuela City.

Ayon sa ulat, kasalukuyang nagsasagawa ang mga awtoridad ng check point sa naturang lugar nang mapadaan ang mga suspek sakay sa isang tricycle na may plakang TL-5690 dahilan upang parahin ang mga ito.

Nang hanapan ng lisensiya ang nagmamanehong si De Guzman ay wala itong naipakita at nang kapkapan ang mga ito ay nakuha sa rito ang patalim samantalang nakuha naman kay Sala ang isang caliber .22 na baril. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply