2 bangkay ng lalaki itinapon sa tulay

NATAGPUAN sa madilim na bahagi ng tulay ang dalawang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Base sa report na nakalap mula sa Navotas police, sa pagitan ng alas-11:00 at ala-1:00 ng madaling-araw natag-puan ang bangkay ng mga biktima na tinatayang nasa edad 30-40.

Ayon kay Marvilo Paredes, tanod ng Brgy. Northbay Blvd. South, kasama niya ang iba pang tanod na nagpapatrol nang makarinig sila ng kalabog mula sa tulay ng R-10.

Napansin umano nila ang isang sasakyan na huminto sa nasabing lugar at parang may itinapon. Nang lapitan nila ang inihulog mula sa sasakyan ay nakita nila ang dalawang walang buhay na lalaki na kapwa may nakapulu-pot pang lubid sa leeg.

Nabatid na binalot din ng packaging tape ang bibig ng mga biktima at tadtad ng pasa ang katawan ng mga ito.

Ipinapalagay ng pulisya na  pinaslang ang mga biktima sa ibang lugar at sa Navotas lang itinapon. M Iral at B Buenaventura

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply