2 bebot ginahasa ng basketbolista

SINUSPINDE ng Oklahoma State si starting forward Darrell Williams  matapos sampahan ng apat na kasong rape ng dalawang babae.

Si Williams, 21, ay lumutang na sa korte para sa isang bilang ng sexual battery at tatlong bilang ng ‘rape by instrumentation’.

Kasalukuyang nakalalaya si Williams matapos magpiyansa ng $5,000 at muli siyang sasalang sa hukuman sa Marso 7.

Ayon sa reklamo, ginahasa umano ng basketbolista ang dalawa sa isang off-campus party noon pang Disyembre 12, nakaraang taon na itinanggi naman ng akusado.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply