2 bebot sugatan sa tumaob na SUV

DALAWANG babae ang nasugatan makaraan umanong tumaob ang kanilang sinasakyang sports utility vehicle (SUV) sa kahabaan ng North Luzon Expressway, Libis, Baesa, Quezon City, Linggo Pebrero 20.

Ayon sa ulat, ang dalawang nasugatan ay hindi pa nakikilala na agad isinugod sa MCU hospital dahil sa pinsala sa katawan.

Sinabi sa ulat ng Manila North Tolway Corporation naganap ang insidente dakong 1:20 ng hapon kahapon sa North Luzon Expressway Kilometer 11 south bound patungo sa direksyon ng Camachilli Libis-Baesa-Mindanao, QC.

Nabatid sa ulat na sakay ang biktima ng Isuzu Sportivo na conduction sticker pa lamang (CH-4223) ang nakalagay nang i-cut ng Mitsubishi Lancer (PTF-386) .

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumaob ang nasabing SUV na ikinasugat ng dalawang biktima.

Sinisiyasat pa ng mga tauhan ng North Tollway Corporation ang naturang insidente. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply