2 beses huli sa akto ang gobyerno sa gulo

DAPAT nang nakapulot ng matinding leksyon ang pamahalaan ukol sa mga overseas Filipino worker kaugnay ng mga giyera sa

Yun bang === dapat nang kumilos kaagad ang pamahalaan kung may mga giyera na nagaganap sa labas ng bansa na may mga OFW.

Sinasabi natin ito dahil sa naging karanasan ng mga OFW sa bansang Libya. Aba’y nagkakamatayan na, eh, yang mag-utos sa mga OFW na magtago ang pinagkakaabalahan.

Mukhang pinalipas muna ng mga inutil sa gobyerno ang ilang araw bago sila kumilos para ilikas ang mga OFW.

Wala yatang marunong na makiramdam sa mga ito at laging late ang reaksyon ng mga ito. Lalong hindi marunong na makiramdam ang mga ito sa grabeng sitwasyon at nahuhuli sa aktong kainutilan ang mga ito.

Kung matatandaan ninyo, nahuli sa aktong kainutilan ang pamahalaan nang sumiklab ang giyera sa Lebanon. Libo-libo ang natrap sa mga bahay na binobomba, sa mga lansangan na escape route at sa mga evacuation area.
Heto ang masama.

Ipinagsisigawan noon ng gobyerno na kumpleto ang mga pondo at tulong na ibinigay ang gobyerno.

Yun pala, hanggang press release lang para sa Pilipinas iyon. Kaya nag-todo-reklamo ang ambassador natin doon.

Ganito rin ang nagaganap sa kaguluhan sa Libya.

Anak ng tokwa, “magtago na lang kayo.” Ito ang unang reaksyon ng gobyerno.

Nang lumala ang labanan at nagkakamatayan na, yung manikluhod sa International Organization for Migration ang inaatupag.

Wala pala o kakaunti ang taong gobyerno sa Libya at hindi makontak-kontak ang mga ito ng mga OFW.

Nitong huli na lamang nagkakaroon ng tao na ipinadala sa mga border gaya ng Tunisia at Ehipto para sumalubong sa mga tumatakas na OFW.

Sa gitna ng pagsasabi ni PNoy na may P100 milyon na pondo para sa mga OFW, yang makipagtawaran sa presyo ng arkila ng mga barko at eroplano ang inaatupag ng mga animal.

Ano yan, di bale nang mamatay ang mga OFW kung mahal ang arkila ng mga barko at eroplano?

Paano yang $15 bilyon na padala ng mga OFW dito na ikinabubuhay ng gobyerno?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.phBenny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply