2 binatilyo nang-holdap, arestado

ARESTADO ang dalawang menor-de-edad matapos mangholdap ng isang graduating student habang namamasyal sa Luneta Lunes, Pebrero 7, ng hapon.

Kinilala ng mga pulis ang mga suspek na sina Jeffer Pomarejos at Jeffer Sanchez,kapwa 16 anyos at out of school youth,kapwa mga residente ng Gate 17 Parola Compound, Tondo, Maynila.

Naaresto ang dalawa matapos na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) station 5 sa Ermita ang biktima na itinago sa pangalang Joel,16 anyos graduating student ng Claro M.Recto High School at residente ng M.dela Fuente st.,Sampaloc Maynila.

Nabatid kay PO1 Ronaldo Olarte ng MPD Luneta Police Community Precint ng Station 5, na dakong alas 2:15 ng hapon,Lunes nang maganap ang insidente sa Phase 3 sa Luneta,Ermita habang namamasyal ang biktima kasama ang dalawa pa niyang kaklase.

Sa pahayg ni Joel (biktima) naglalakad sila sa nasabing lugar nang bigla na lamang silang lapitan ng mga suspek at isa dito ay nanutok ng balisong at walang sabi-sabing hinablot ang silver necklace nito na nagkakahalaga ng P700.

Mabilis na tumakbo patakas ang mga suspek subalit nakasigaw ang biktima na nakatawag pansin sa mga nagrorondang pulis dahilan upang maaresto ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply